IBCTV13
www.ibctv13.com

Digital distribution ng fuel subsidy, pinag-aaralan ng LTFRB

Khengie Hallig
167
Views

[post_view_count]

Para mapabilis ang pamamahagi ng P5,000 fuel subsidy sa public transportation sector na apektado ng taas-presyo sa produktong petrolyo, tinitingnan ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang posibleng pagsasagawa ng digital na distribusyon ng fuel subsidy.

Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor Mendoza II, inimbitahan na nila ang ilang mga electronic money issuers (EMIs) sa bansa upang maging Payment Channel Provider ng nasabing ayuda.

Kaugnay nito, hinimok ng ahensya ang mga EMI na accredited sa Bangko Sentral ng Pilipinas na magpadala ng letter of intent at iba pang dokumentong magpapatunay ng kanilang kapasidad bilang payment channel provider.

Binigyang-diin ni Mendoza na napatunayan nang epektibo ang digital na transaksyon sa mga nakaraang pamamahagi ng fuel subsidy.

Sakaling maipatupad, malaking tulong aniya ito upang mapadali ang pamamahagi ng ayuda at maiwasan ang mahabang pila ng mga benepisyaryo bago makatanggap ng tulong. – IP

Related Articles