IBCTV13
www.ibctv13.com

Dingdong Dantes, napupusuan ng mga Pinoy na tumakbo sa 2025 senatorial race

Alyssa Luciano
552
Views

[post_view_count]

Actor and reservist Dingdong Dantes conducts a media specialization course with the members of Philippine Navy. (Photo by Dingdong Dantes)

Isa ang aktor, environmentalist, at reservist na si Dingdong Dantes sa napupusuan ng mga Pilipino na maging senador para sa 2025 midterm elections batay sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research sa ikatlong kwarter ng taon.

Pasok sa listahan ng Tugon ng Masa si Dantes na nakakuha ng 10% na boto at pumasok sa ranking mula 25-37.

Samantala, nanguna naman sa naturang survey si ACT-CIS Partylist Representative Erwin Tulfo na nakakuha ng 60% at sinundan ng kapatid na si Ben Tulfo na nakakuha naman ng 57%.

Pasok din sa listahan sina former Senate President Tito Sotto (50%); Senator Bong Go (49%); former Senator Ping Lacson at Sen. Bong Revilla (44%); Sen. Pia Cayetano (35%); at Sen. Francis Tolentino at former Sen. Manny Pacquiao (34%).

Kabilang din sa mga gustong maging senador ng mga Pilipino sina Sen. Imee Marcos, Sen. Lito Lapid, at former President Rodrigo Duterte na parehong nakakuha ng 33%; Sen. Ronald Dela Rosa (29%); at sina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos at Doc Willie Ong na kapwa nakakuha ng 28%.

Isa pa sa mga napupusuan ng mga Pilipino na maging senatorial candidate ay ang TV host at personality na si Willie Revillame na nakakuha ng 19% sa rank mula 16-26.

Ang survey na ito ay isinagawa simula Agosto 28-Setyembre 2 kung saan ang mga respondente ay binigyan ng pagkakataon na pumili ng 12 indibidwal na kanilang napupusuan na maging senador sa susunod na taon. – VC

Related Articles