IBCTV13
www.ibctv13.com

Diplomatic ties ng Pilipinas-New Zealand, palalakasin pa

Alyssa Luciano
349
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. and New Zealand Prime Minister Christopher Luxon held a bilateral meeting in Laos. (Photo by PCO)

Higit na palalakasin pa ng Pilipinas at New Zealand ang diplomatic relationship nito para sa mas komprehensibong samahan.

Sa sidelines ng 44th at 45th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits and Related Summits sa Laos nitong nakaraang linggo, nagkaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at NZ Prime Minister Christopher Luxon.

Nagkasundo sila na patatagin pa ang samahan ng dalawang bansa.

Ibinida ni Pangulong Marcos Jr. na isinasapinal na ng mga concerned government agency ang Proposed Roadmap to Comprehensive Partnership 2024-2025 sa pagitan ng Pilipinas at New Zealand.

“I think, the roadmap that’s being finalized now we should have it ready by the 60th anniversary of [the] establishment of diplomatic relations between our two countries,” saad ni Pangulong Marcos Jr. sa pagpupulong.

“I think we’ve made some good progress … and continued progress on the roadmap,” tugon ni Luxon.

Hulyo 6, 1966 nang mabuo ang diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at New Zealand. -VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

53
Views

National

Ivy Padilla

74
Views