Hindi na kailangan bumiyahe sa ibang bansa para sa isang Disney experience dahil abot-kamay na ito sa dinarayong Frozen Dreamland sa San Fernando, Pampanga.
Pagpasok pa lang sa lugar, agaw-atensyon na ang isang higanteng kastilyo na pinalilibutan ng christmas lights, artificial snows at candy canes.
Nagkalat din ang iba’t ibang mascot characters nina Mickey Mouse, Olaf, My Melody at Hello Kitty na tiyak patok sa mga bata pati sa matatanda.
Hindi lang mata ang mabubusog sa pamamasyal sa sikat na magical park dahil may 20 food stalls sa loob na pwedeng pagpilian at kainan kasama ang inyong pamilya.
Ayon sa may-ari ng park na si Archie Lagman, ipagpapatuloy ng magical park ang paghahatid ng saya hindi lamang sa Pampanga kung hindi maging sa buong Luzon.
Bukas ito ngayong Christmas season mula alas-5 ng hapon hanggang hatinggabi. -VC