Mahigpit na ipinagbabawal ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pag-imprenta ng Digital National identification (ID) sa Polyvinyl Chloride (PVC) o kahit anong plastic cards.
Sa inilabas na pahayag ng PSA, nakasaad na ipinagbabawal din ang pagtanggap ng ‘do-it-yourself’ (DIY) printed National IDs sa kahit anong mga pampubliko at pampribadong mga transaksyon.
Dagdag pa ng ahensya, walang ibang valid physical National ID maliban sa mga card na printed nila mismo.
Sinumang indibidwal o grupo na mapapatunayang lumabag dito ay mapaparusahan.
“Only the PSA is authorized to print and issue the National ID. Individuals or groups found guilty of unauthorized printing, preparation, or issuance of a National ID can be penalized with imprisonment of 3 to 6 years,” pahayag ng PSA.
Bukod sa pagkakakulong, may multa pang P1,000,000 hanggang P3,000,000, sa ilalim ng Republic Act No. 11055 o ang Philippine Identification System Act.
Muling nagpaalala ang PSA sa publiko na maaaring i-access at i-download ang National ID sa website: https://national-id.gov.ph/
Maaari naman i-report sa mga sumusunod na official channels ng PSA ang sinuman na mapag-aalaman na nagpi-print ng National ID:
– Hotline 1388
– Email: info@philsys.gov.ph
– facebook.com/PSAPhilSysOfficial
– VC