Tiniyak ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto na kaisa ng pambansang pamahalaan ang ahensya sa pagpapanatili ng “A-” credit rating ng Pilipinas hanggang matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 2028.
“Mayroon tayong medium-term fiscal framework plan at nakikita nila credible iyong plano natin,” saad ni Recto sa isang press briefing sa Malacanang nitong Martes, Setyembre 24.
Ayon sa kalihim, patuloy na sinusunod ng pamahalaan ang medium-term fiscal framework plan na layong mabawasan ang ‘deficit’ sa 3.8% pagsapit ng taong 2028.
Matatandaan nitong Agosto 2024, itinaas ng Japan’s Rating and Investment Information, Inc. (R&I) sa “A-” ang rating ng bansa na may ‘stable outlook’ mula sa “BBB+” noong nakaraang taon.
“Conscious tayo sa programa natin. [This is the] road to A [rating]. Of course by 2028, we want that all the rating agencies will give us a grade of A, kahit A minus, puwede na,” pagbibigay-diin ni Recto. -VC