IBCTV13
www.ibctv13.com

DOH, maglalabas ng bagong polisiya para sa libreng pay ward ng PhilHealth direct contributors

Kristel Isidro
114
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. and Health Secretary Ted Herbosa visited East Avenue Medical Center, in Quezon City, to personally witness the implementation of the Zero Balance Billing program. (Photo courtesy of PBBM/Facebook)

Nakatakdang maglabas ang Department of Health (DOH) ng isang bagong polisiya upang gawing zero balance billing o libre ang mga pay ward o shared room ng lahat ng DOH hospitals para sa mga direct contributor ng PhilHealth, ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, ngayong Lunes, Pebrero 9.

Inanunsyo ng kalihim ang plano sa katatapos lamang na flag ceremony ng DOH, kung saan sinabi niyang magbababa ang kagawaran ng Department Memorandum Circular na mag-uutos sa lahat ng DOH hospitals na gawing libre ang bayarin sa pay wards para sa mga miyembrong regular na nagbabayad ng kanilang contributions.

Ayon kay Herbosa, ang pay wards ay hiwalay pa sa kasalukuyang basic accommodation na sakop na ng zero balance billing, at layunin ng bagong polisiya na palawakin pa ang benepisyo para sa mga working class at middle class.

Ipinaliwanag ng kalihim na matagal nang may panawagan mula sa mga direct contributors na mabigyan din sila ng mas maayos na accomodation kapag na-ospital.

Sa ilalim ng polisiya, maglalaan ang mga DOH hospital ng special areas para sa mga direct contributors, kung saan may mas maayos na pasilidad tulad ng air-conditioned rooms at hiwalay na espasyo mula sa common wards.

Dagdag ng kalihim, ang hakbang ay pagkilala sa kontribusyon ng mga direktang nagbabayad sa PhilHealth, at bahagi ng mas malawak na layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing mas makatarungan at ramdam ang serbisyong pangkalusugan para sa lahat. – VC