IBCTV13
www.ibctv13.com

DOH, nakaalerto sa epekto sa kalusugan ng pagsabog ng bulkang Kanlaon

Divine Paguntalan
678
Views

[post_view_count]

Residents near Kanlaon volcano evacuate their homes following the eruption on December 9, 2024. (Photo by Ser Alexander III/Facebook)

Agaran ang naging pagtugon ng Department of Health (DOH) para sa mga residenteng naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Kanlaon sa Negros Occidental nitong Lunes, Disyembre 9.

Ilan sa paunang direktiba ng DOH Central Office sa Centers for Health Development (CHDs) ay tiyaking sapat ang suplay ng N95 masks, goggles, water purification tablets, gamot at antiseptic supplies para sa mga komunidad na malapit sa bulkan dahil sa masamang epekto sa kalusugan ng ashfall na ibinubuga nito.

“If in an area affected by ash fall, stay indoors. Close all doors and windows. Use N95 masks if available; any medical mask or even folded clothes may help if N95 masks are not on hand,” paalala ni DOH Secretary Teodoro Herbosa

“Use eye protection like goggles. Do not use water that may have been contaminated by ash. Wash hands frequently with soap and water. When preparing food, wash and clean fruits and vegetables that may have been exposed to ash. Seek medical attention for any breathing or eye problems,” dagdag niya.

Pinayuhan na ng DOH ang mga ospital malapit sa bulkan na bigyang-prayoridad ang mga buntis na nasa ikatlong (3rd) trimester, lalo na ang may posibilidad na magkaroon ng komplikasyon.

Kasabay nito, ipinag-utos niya na magpatupad ng surge capacity plans upang matugunan ang posibleng pagdagsa ng mga pasyente.

Hinimok din ng kagawaran ang publiko na makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at sundin ang mga payo ng awtoridad upang manatiling ligtas mula sa banta ng ashfall at lahar gayundin ng iba pang sakit na posibleng makuha mula sa pagputok ng bulkang Kanlaon. – VC

Related Articles