IBCTV13
www.ibctv13.com

DOLE, may nakahandang job fairs para sa POGO workers na mawawalan ng trabaho

Ryan Kristoffer Lim
296
Views

[post_view_count]

DOLE Secretary Bienvenido Laguesma shares updates regarding the Bagong Pilipinas Job Fairs and Labor Force Survey Results during a press conference on September 11.

Maglulunsad ng job fairs sa huling quarter ng taon ang Department of Labor and Employment (DOLE) na bukas para sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) worker na mawawalan ng trabaho kasunod ng nationwide ban sa mga operasyon nito.

Sa isang media conference ngayong Miyerkules, Setyembre 11, iniulat ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma na nasa 27,000 palang ang dumaan sa profiling at may anim sa 54 POGOs pa ang hindi nakakapagbigay ng listahan ng kanilang mga empleyado. Personal na pupuntahan ng DOLE ang mga POGO na ito sakaling wala pa ring maipasa.

Mahigit 2,000 empleyado na dumaan sa profiling ng DOLE ang natuklasang may alien employment permit, at karamihan sa kanila ay Vietnamese, Chinese, at Indonesian nationals.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa umano ang mga operasyon ng POGO. Matatandaan na may palugit na hanggang katapusan ng taon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para tuluyang ipasara ang POGO sa bansa.

Nakatakdang simulan sa unang linggo ng Oktubre ang job fairs para sa mga POGO worker na mawawalan ng trabaho.

“We have scheduled a specific or a special Job fair for them on the first week of October, para ma-tingnan kung anong klaseng intervention and dapat nilang matanggap sa DOLE,” saad ni Laguesma. -VC

Related Articles