IBCTV13
www.ibctv13.com

DPWH, nagpatupad ng load limit matapos gumalaw ang Biliran Bridge

Jerson Robles
319
Views

[post_view_count]

(Screengrab from Calbayog Update)

Pansamantalang ipinagbabawal ang pagdaan ng mabibigat na sasakyan sa Biliran Bridge sa lalawigan ng Biliran matapos makuhanan ng video ang paggalaw ng halos limang dekada nang nakatayo na tulay.

Sa direktiba ng Department of Public Works and Highways (DPWH), tanging mga light vehicles (4-wheelers) tulad ng mga passenger van at sports utility vehicles lamang ang pinapayagang dumaan sa tulay na nag-uugnay sa mga isla ng Leyte at Biliran simula ngayong Lunes, Disyembre 24.

Ayon sa DPWH Eastern Visayas regional office, ang desisyong ito ay dulot ng matinding hangin at mataas na dami ng trapiko na dala ng holiday season.

“Buses with passengers are advised to unload passengers prior to crossing Biliran Bridge. Traveling public are advised to cross the bridge one at a time and with caution,” saad ng ahensya.

Ang mga kuha mula sa Facebook page ng Biliran Island ay nagpakita ng tila mala-alon na paggalaw ng tulay, kung saan makikitang gumalaw din ang mga bakal.

Matatandaan noong 2021, inihayag ng DPWH ang plano na magtayo ng isang bagong tulay na nagkakahalaga ng P500 milyon bilang kapalit ng lumang Biliran Bridge.

Ang lumang tulay na ito ay itinayo noong 1976 at itinuturing na mahina na kung kaya’t hindi na kayang suportahan ang mabibigat na sasakyan.

Bilang bahagi ng kanilang preventive measures, nag-deploy ang DPWH ng maintenance personnel upang bantayan ang tulay 24/7 laban sa overloading.

Sa kabila ng mga hamon, umaasa ang lokal na pamahalaan at mga residente na magiging matagumpay ang proyekto para sa bagong tulay upang mas mapabuti ang transportasyon at kalakalan sa rehiyon. – VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

57
Views

National

Jerson Robles

83
Views