IBCTV13
www.ibctv13.com

DSWD, naglaan ng 800-K food packs sa mga apektado ng Habagat

37
Views

[post_view_count]

DSWD’s continued response to affected communities in SOCCSKSARGEN on Thursday. (Photo from DSWD)
Nakapaglabas na ng humigit-kumulang 800,000 family food packs (FFPs) ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga rehiyong tinamaan ng kalamidad.

Ipamamahagi ang mga FFPs sa mga apektadong pamilya sa National Capital Region, Calabarzon, Bicol Region at Western Visayas.

Bawat food packs ay naglalaman ng bigas, de lata at iba pang ready-to-eat meals na maaaring pagkasyahin para sa hanggang dalawang araw.

Target ng DSWD na mapabilis ang distribusyon ng mga food pack upang matulungan ang mga pamilyang hindi pa naaabot ng ayuda.

Batay sa datos, umakyat na sa 3.7 milyon indibidwal ang kabuuang bilang ng mga apektado ng masamang panahon.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, inaasahang matatapos ang pamamahagi ng mga food pack pagsapit ng weekend, habang patuloy na nakikipag-ugnayan ang ahensya sa mga LGU.

“I think we should be finished with all of these by the weekend. Para lahat ng nangangailangan these past few days na hindi napupuntahan, ay mapuntahan na ng mga LGU. Ang disaster response nasa LGU, kami augmentation lamang kami,” ani Gatchalian. – VC