IBCTV13
www.ibctv13.com

DSWD, nagpaabot ng tulong sa mga binahang pamilya sa Davao Region, SOCCSKSARGEN

Ivy Padilla
106
Views

[post_view_count]

DSWD staff led the distribution of relief goods to typhoon-affected families in SOCCSKSARGEN. (Photo by Sarangani Provincial Information Office)

Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga pamilyang apektado ng baha na dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Davao Region at SOCCSKSARGEN.

Sa pinakahuling datos ngayong Sabado, Disyembre 28, nakapaghatid ang DSWD Field Office – Davao Region ng 887 family food packs (FFPS) na nagkakahalaga ng P541,070 sa mga naapektuhang residente sa rehiyon.

Tiniyak ni Disaster Response Management Group (DRMG) Asec. Irene Dumlao ang mahigpit ng koordinasyon ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan na nagbukas ng evacuation centers sa Davao Region.

“Currently, some 739 families or 3,158 individuals are staying in five evacuation centers in Davao Occidental. We are checking with the LGUs if they need additional food and non-food items for the displaced residents. Our regional office has 157,339 FFPs and standby funds available for augmentation if the need arises,” saad ni Dumlao.

Samantala, aabot naman sa P86,000 ang halagang ibinigay ng DSWD Field Office – SOCCSKSARGEN sa mga residente ng Alabel sa Sarangani na naapektuhan din ng pag-ulang dulot ng ITCZ.

Ayon kay Regional Director Loreto Cabaya Jr., humigit-kumulang 400 pamilya o katumbas ng 1,600 katao ang kasalukuyang namamalagi sa mga evacuation center na itinayo sa General Santos City, Alabel, at Glan sa Sarangani.

Related Articles

National

Ivy Padilla

37
Views

National

Ivy Padilla

122
Views

National

Ivy Padilla

121
Views