IBCTV13
www.ibctv13.com

Ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng Marcos Jr. admin, nanatiling matatag – Palasyo

Kristel Isidro
168
Views

[post_view_count]

IBC file photo

Nanatiling positibo at masigla ang ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ayon sa ulat ng economic team ng pamahalaan sa ginanap na 7th Economy and Development (ED) council meeting sa Malacañang nitong Lunes, Enero 26.

Nalampasan ng pamahalaan ang itinakdang target sa job generation at poverty education noong nakaraang taon, kung saan bumaba ang unemployment rate sa 4.7% mula 10.3% noong 2020, habang bumaba rin ang underemployment rate sa 13.6% mula sa 16.2%.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nagpapahiwatig ito na mas maraming manggagawa ang nakakahanap ng disenteng trabaho.

Sa usapin ng kahirapan, iniulat na nabawasan ng 2.4 milyong bilang ang mahihirap na Pilipino mula 2021 hanggang 2023, mula sa naitalang 19.9 milyon noong 2021, kung saan bumaba ito sa 17.5 milyon.

Tiniyak ng Malacañang na magpapatuloy ang mga hakbang ng pamahalaan upang lumikha ng mas mataas na kalidad ng trabaho at maibaba pa ang antas ng kahirapan pagsapit ng 2028.

Bilang bahagi ng mga prayoridad na proyekto ngayong 2026 hanggang 2028, tututok ang administrasyon sa mas mabilis na pagpapatupad ng mahahalagang programa sa mga sektor ng kalusugan, edukasyon, agrikultura, at social protection.

Samantala, sa medium term outlook, target ng pamahalaan na palakasin ang good governance sa pamamagitan ng mas malawak na paggamit ng teknolohiya, at mas maayos na pamamahala ng pondo at serbisyong pampubliko. – VC

Related Articles

National

Khengie Hallig

162
Views