IBCTV13
www.ibctv13.com

Employment rate umangat sa 96.1% noong Mayo 2025 — PSA

Divine Paguntalan
112
Views

[post_view_count]

Tumaas sa 96.1% ang employment rate sa Pilipinas noong Mayo 2025, batay sa pinakahuling Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Martes, Hulyo 8.

Katumbas ito ng humigit-kumulang 50.29 milyong Pilipinong may trabaho na mas mataas kumpara sa 48.67 milyong naitala noong Abril at 48.87 milyon noong Mayo 2024.

Tumaas din ang labor force participation rate (LFPR) sa 65.8%, na katumbas ng 52.32 milyong Pilipinong may edad 15 pataas na bahagi ng labor force. Ito na ang pinakamataas na naitala mula noong Abril 2025.

Pangunahing dahilan sa pagtaas ng employment rate ang pagtaas ng bilang ng employed sa wholesale and retail trade; repair of motor vehicles and motorcycles (9.94 M); agriculture and forestry (9.43 M); administrative and support service activities (2.79 M), compulsory social security (3.35 M); at other service activities (3.23 M).

Kasabay nito, bumaba naman sa 3.9% ang unemployment rate mula sa 4.1% noong Abril 2025 at sa parehong panahon noong 2024.

Sa kabuuan, ipinapakita ng ulat na patuloy ang pagbuti ng lagay ng trabaho sa bansa, bagama’t nananatili ang hamon ng job quality at access sa sapat na kita para sa lahat ng sektor. – AL