
Hinimok ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin ang mga lingkod-bayan na baliwalain ang anumang ingay o isyu sa paligid at manatiling nakatutok sa pagpapaganda ng buhay ng sambayanang Pilipino.
Sa kanyang pagdalo sa 2025 Budget Execution Forum sa Pasay City ngayong Biyernes, Enero 24, nanawagan si Bersamin sa mga opisyal ng pamahalaan na muling pagtibayin ang kanilang pangako na isulong ang isang Bagong Pilipinas.
“As we begin a new year, let us take the opportunity to renew our commitment to build the Bagong Pilipinas we all envision. Our mission today is crystal clear, to serve the Filipino people with unwavering integrity, relentless dedication, and genuine compassion,” saad ni Bersamin.
“Let us forge ahead, undeterred by the noise, focused on uplifting the lives of our people to the best of our abilities,” dagdag pa niya.
Sa pangunguna ng Department of Budget and Management (DBM), layon ng nasabing forum na talakayin ang pagpapatupad at paggamit ng 2025 national budget.
“This budget represents not just numbers on paper but our connected vision for a prosperous Philippines,” ani Bersamin. – AL