IBCTV13
www.ibctv13.com

Escoda Shoal, sa Pilipinas pa rin kahit umalis ang BRP Teresa Magbanua sa WPS – PCG

Divine Paguntalan
401
Views

[post_view_count]

Chinese Coast Guard rammed the BRP Teresa Magbanua in the Escoda Shoal on August 31. (Photo by Philippine Coast Guard)

Tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG) na mananatiling teritoryo ng Pilipinas ang Escoda Shoal sa kabila ng pag-alis ng BRP Teresa Magbanua sa West Philippine Sea (WPS).

Sa isang press briefing inihayag ni PCG Spokesperson for WPS Commodore Jay Tarriela na patuloy pa rin magpapatrolya sa Escoda Shoal ang hukbo ng Pilipinas gamit ang iba pang Coast Guard vessels.

“Escoda Shoal, no matter how many instances we intend to go there, we can be able to patrol and deploy our vessel,” pagtitiyak ni Tarriela.

“As far as the Philippines Coast Guard is concerned, we have not lost anything,” dagdag pa niya.

Hindi naman na nagbigay ng operational details si Tarriela sa plano ng pamahalaan tungkol sa nasabing deployment.

Nitong Linggo, Setyembre 15 ay pansamantalang inalis ang BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal para sa pagsasaayos nito at dahil na rin sa kulang na ang kinakailangang suplay ng crew na sinabayan pa ng masamang panahon.

Matatandaan noong Agosto 31, tatlong beses binangga ng Chinese Coast Guard (CCG) ang BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal kung saan nagtamo ito ng matinding sira sa harapang bahagi at sa starboard nito. – AL