IBCTV13
www.ibctv13.com

Ex-DPWH Usec. Cabral, nasawi dahil sa blunt force trauma – DILG chief

Kristel Isidro
129
Views

[post_view_count]

Photo courtesy of DILG & Benguet PPO

Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na ‘blunt force trauma’ ang ikinamatay ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Maria Catalina Cabral matapos siyang tumalon sa bangin sa kahabaan ng Kennon Road sa bayan ng Tuba, Benguet.

Lumabas din sa imbestigasyon na sinuri muna ni Cabral ang bangin bago tuluyang tumalon makalipas ang isang oras.

Ayon kay Remulla, habang paakyat ng Baguio, pinahinto ni Cabral ang kanyang driver sa eksaktong lugar ng pinangyarihan ng insidente at naglakad malapit sa gilid nito. 

“Paakyat pa lang ng Baguio, pinatigil niya ang driver at the exact same spot. Tapos, naglalakad na siya papunta doon sa edge, nakita sila ng pulis, [sinabi] bawal pumarada d’yan, umalis kayo’, then dumiretso na sila sa hotel,” saad ni Remulla. 

Tinatayang may 30 metrong taas o katumbas ng isang 10-story building ang bangin na pinagtalunan ng namayapang opisyal.

Una nang sinabi ng kalihim na walang foul play sa pagkamatay ni Cabral at wala ring nakitang senyales ng pakikipagbuno sa loob ng sasakyan nito.  

Ang mga natamong pinsala, kabilang ang pagkabasag ng kanang bahagi ng mukha at likod ng ulo, pagpasok ng mga rib sa internal organs, at mga bali sa paa, ay tugma aniya sa matinding pinsalang dulot ng pagbagsak mula sa mataas na lugar.

Si Cabral ay isa sa mga pangunahing personalidad na kasama sa nagpapatuloy na imbestigasyon kaugnay ng maanomalyang flood control projects sa bansa. Bagaman suicide o pagpapatiwakal ang lumalabas sa paunang pagsusuri sa pagkamatay ni Cabral, tiniyak ni Remulla na magpapatuloy ang masusing imbestigasyon upang malinawan ang publiko at matigil na ang mga espekulasyon at kumakalat na maling impormasyon. – IP

Related Articles

National

Kristel Isidro

432
Views

National

Raymond Carl Dela Cruz, Philippine News Agency

441
Views