IBCTV13
www.ibctv13.com

Extension ng IBC 13 franchise, ilan pang ahensya, target maipasa – SP Escudero

Divine Paguntalan
252
Views

[post_view_count]

Senate President Chiz Escudero during the press briefing on September 25, 2024. (Screengrab from RTVM)

Tiniyak ni Senate President Chiz Escudero sa isang press briefing matapos ang 6th Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting ngayong Miyerkules, Setyembre 25, na target ng Senado na maipasa ang extension sa franchise ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC 13) at ilan pang ahensya.

Ayon kay Escudero, bagaman hindi ito bahagi ng LEDAC priority measures ay mahalaga pa rin na aksyunan dahil nakatakda na itong mapaso sa taong 2025.

“We need to still pass the extension of IBC 13 Charter. We still need to pass the NHA Charter renewal, we need to pass the PSALM (Power Sector Assets & Liabilities Management Corporation) Charter Renewal. Because all of these will be lapsing by next year. So although not included in the priority list of legislations, these are important bills, nevertheless, that needs congressional actions,” paliwanag ng Senate President.

Matatandaan noong Enero 2023, naaprubahan sa plenaryo ng Kamara ang House Bill No. 6505 o ang panukalang magkakaloob ng panibagong 25-taon na prangkisa sa IBC-13 kung saan nakakuha ito ng unanimous approval na 272 boto.

Samantala, napabalita rin ang zero budget noong 2023 para sa radio-TV network ngunit sa tulong ng mga mambabatas ay napagkalooban ito ng pondo para sa taong 2024 kung kaya nabayaran na ang higit dalawang dekadang retirement claims ng mga dating empleyado. — VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

66
Views

National

Ivy Padilla

56
Views