IBCTV13
www.ibctv13.com

First Lady Liza, namahagi ng tig-10/kg bigas sa 1,300 pamilya sa Brgy. Bagong Pagasa, QC

89
Views

[post_view_count]

First Lady Liza Araneta-Marcos led the third day of the “Mula sa Puso Para sa Pamilya” initiative at Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City distributing ten kilos of rice to vulnerable families today, June 24. (Photo courtesy of Mayor Joy Belmonte)

Dinala ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang pamamahagi ng bigas sa 1,300 residente ng Brgy. Bagong Pag-asa sa Quezon City ngayong Miyerkules, Hunyo 24, bilang bahagi ng programang “Mula sa Puso Para sa Pamilya.”

Sa kanyang mensahe, muling binigyang-diin ng First Lady ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na pagkain para sa bawat pamilya.

“Ako naman bilang ina, mahalaga sa atin na mayroong makain sa lamesa,” aniya.

Habang kinikilala ng Unang Ginang ang kahirapan bilang nananatiling hamon sa bansa, iginiit nitong malaking tulong ang mga programang inilulunsad ng pamahalaan upang mabawasan ang pasanin ng mga mamamayan.

“Even if we cannot eradicate poverty 100 percent, at least we can do a bit to lessen the burden. I hope this little gesture will help ease your burden in the days to come,” ayon sa Unang Ginang.

Ayon kay City Mayor Joy Belmonte, pinondohan ang programa sa pamamagitan ng Local Government Support Fund (LGSF), kung saan direktang bumibili ng bigas ang Quezon City mula sa mga magsasaka.

Sinabi ng alkalde na tinatayang 210,000 pamilya sa lungsod ang makatatanggap ng tig-10 kilong bigas sa ilalim ng programa, na ipatutupad sa apat na tranche.

“Ito na ang pinangakong pangalawang tranche at meron pang dalawang tranche na susunod. Gusto ko ring ipaabot ang pasasalamat sa ating mahal na Pangulo sa pamamagitan ng ating Unang Ginang dahil ang programang ito ay mula mismo sa kanya,” ani Belmonte.

Ang pamamahagi ng bigas sa Brgy. Bagong Pag-asa ang ikatlong araw ng weeklong visit ng First Lady sa Metro Manila, kung saan nauna nang nakapamahagi sa Brgy. Doña Imelda sa Quezon City at Brgy. 72 sa Tondo, Maynila. VC