IBCTV13
www.ibctv13.com

First Lady Liza, tinapos ang unang cycle ng pamamahagi ng bigas sa Metro Manila; 3,000 benepisyaryo sa Nova, VC, nakinabang

118
Views

[post_view_count]

First Lady Liza Araneta-Marcos led the day 5 of the “Mula sa Puso Para sa Pamilya” initiative at Brgy. Sta. Monica, Novaliches, Quezon City distributing ten kilos of rice to vulnerable families today, June 26. (Photo courtesy of PNA)

Nagtapos na ang unang cycle ng “Mula sa Puso Para sa Pamilya” program ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa Metro Manila nang may 3,000 benepisyaryong nakatanggap ng tig-10 kilong bigas sa Novaliches, Quezon City ngayong Biyernes, Hunyo 26.

Isinagawa ang distribusyon sa district center sa loob ng Jordan Plains Subdivision sa Brgy. Sta. Monica.

Ito ang huling bahagi ng unang week-long series ng rice distribution ng First Lady sa iba’t ibang komunidad sa Maynila at Quezon City, na naglalayong magbigay ng tulong sa mga pamilyang kabilang sa vulnerable sector.

Ayon kay Brgy. Sta Monica Chairperson Charlie Manalad, hindi lamang isang beses ipatutupad ang tinawag niyang magandang programa.

“Actually, talagang hindi lang maganda. Magandang, magandang programa. Sa aking pagkakaalam, simula nang umupo ako, first time pa lang na magkaroon nito. Hindi lang isang beses ito dahil magkakaroon ng apat na tranches ang ibibigay sa mga beneficiaries,” ani Manalad.

Samantala, sinabi ni Brgy. Kagawad Celso de los Santos na tinatayang 1,300 benepisyaryo ang personal na dumalo sa distribusyon ngayong araw, habang umabot sa 3,300 ang kabuuang nakinabang sa programa sa lahat ng 14 barangay.

Nagpasalamat naman si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Unang Ginang at kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa pagdadala ng programa sa lungsod.

“We are really lucky because today, our First Lady will give you rice. This is the first time you will receive 10 kilos of rice. But you will receive this four times. Every two months, you will receive 10 kilos,” ani Belmonte.

Dagdag ng alkalde, direktang binili mula sa mga lokal na magsasaka ang ipinamamahaging bigas kung saan nakatutulong na sa mga pamilyang nangangailangan habang pinapalakas ang kabuhayan ng mga palay producer.

Maliban sa pamamahagi ng bigas, nagsagawa rin ng raffle ang mga organizer tampok ang mga karagdagang premyo, tulad ng mga sako ng bigas, rice cooker, at television set.

Sa ilalim ng Mula sa Puso Para sa Pamilya program, ang bawat benepisyaryo ay tatanggap ng 10-kilong de-kalidad na bigas nang apat na beses bilang bahagi ng patuloy na hakbang ng pamahalaan na suportahan ang vulnerable sector at lokal na magsasaka. VC