Nanawagan si Nueva Ecija 3rd District Representative Ria Vergara kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na galangin ang kasalukuyang administrasyon, partikular na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ginawang ehemplo ni Vergara ang yumaong dating Pangulong Benigno Aquino III kung saan hindi aniya nito nagawang makialam sa mga polisiya ng sumunod na administrasyon, sa kabila ng kanyang personal na pananaw.
“But just as the previous late President Aquino stepped out of the public scene, and out of delicadeza, didn’t say anything to question the Duterte policies on its direction on the drug war…And that now you are no longer president, Mr. President Duterte. When you wielded great power during your six years, just as former presidents didn’t interfere, I pray you do the same,” saad ni Vergara.
Kinondena ng mambabatas ang naging pahayag ni FPRRD na kudeta ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa administrasyon dahil walang Pilipino ang makikinabang dito kundi si Vice President Sara Duterte lamang.
Binigyang-diin niya na dapat panatilihin ng mga dating presidente ang pagiging huwaran sa mga Pilipino kahit pa wala na sa pwesto upang mapalaganap ang pagkakaisa sa bansa.
“So I appeal to our former president, a man I respect — I respect you, and I recognize all you have done for me personally, and I am grateful, as my family and the people I served — please do not divide our country. Rise above personal political agendas,” pahayag ni Vergara.
“As a former president, one of those who has stepped down from office with the highest approval ratings, please give President Marcos a chance without being threatened. Please do unto others as others have done to you. This, Mr. Former President, is the golden rule,” dagdag niya.
Matatandaang nag-ugat ang alitan matapos magbitiw ng pagbabanta sa buhay ng Pangulo si VP Duterte sa isang online media briefing kamakailan. – VC