![](https://ibctv13.com/wp-content/uploads/2025/02/CIDG-FPRRD.webp)
Nagsampa ng kasong inciting to sedition at unlawful utterances ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang umano’y banta nito na pagpapapatay sa 15 senador.
Sa isang campaign rally ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) Laban kamakailan, binanggit ito ng dating Pangulo upang mabigyan aniya ng siguradong puwesto ang kanyang mga ineendorso.
Ayon kay CIDG chief Maj. Gen, Nicolas Torre III, hindi dapat ipagsawalang-bahala ang ganitong mga pahayag dahil sa posibilidad nitong magbunga ng karahasan.
“He encouraged killings. Ano nangyari? Ang daming pupunta ngayon sa Kongreso na mga pamilya na humihingi ng hustisya. Ngayon, pag tinanong siya, did you order the killings, ide-deny niya naman,” pahayag ni Torre.
Sa isang panayam din ay nanindigan si Torre na hindi dapat ginagawang biro ang mga ganitong bagay lalo pa’t ang taumbayan aniya ang magdurusa mula rito.
“Bagong Pilipinas na, hindi naman pwedeng lahat ay dinadaan sa biru-biro at pajoke-joke at pagkatapos ang taumbayan naman ang nagsa-suffer,” saad ni Torre. – AL