IBCTV13
www.ibctv13.com

Halos 190,000 biyahero, dumagsa sa mga paliparan sa bansa nitong Pasko – BI

Ivy Padilla
72
Views

[post_view_count]

Christmas rush at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 on December 25. (Photo by Earl Tobias, IBC 13)

Minarkahan bilang isa sa ‘busiest period of the year’ ang Bisperas ng Pasko at Araw ng Pasko (Disyembre 24-25) matapos maitala ang halos 190,000 mga biyahero sa iba’t ibang paliparan sa bansa.

Batay sa datos ng Bureau of Immigration (BI), may kabuuang 52,437 arrivals at 41,895 departures ang naitala nitong Bisperas ng Pasko.

Iba pa ang bilang na ito sa 47,669 arrivals at 44,192 departures na naitala naman sa mismong araw ng selebrasyon ng Kapaskuhan.

Kinilala ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang dedikasyon ng mga immigration officer sa bansa na nanatiling naka-duty nitong holiday upang matiyak ang maayos na biyahe ng mga pasahero.

“Our officers are committed to providing seamless services despite the surge in traveler numbers during this peak season,” saad ni Commissioner Viado.

Ngayon pa lang ay nagpaalala na ang ahensya sa inaasahang pagdami pa ng bilang ng mga pasahero na uuwi at aalis para naman sa selebrasyon ng Bagong Taon.

Hinihikayat ang mga biyahero na magtungo nang maaga sa mga paliparan at kumpletuhin ang kanilang pre-departure at arrival requirements upang mapadali ang proseso ngayong holiday. – VC