IBCTV13
www.ibctv13.com

Halos 3 sa bawat 4 na Pilipino, pabor na humarap si VP Sara Duterte sa impeachment trial sa Senado — OCTA

Kristel Isidro
124
Views

[post_view_count]

Vice President Sara Duterte. (Photo from House of Representatives)

Tumaas sa 74% ang bilang ng mga Pilipinong naniniwalang dapat humarap si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial sa Senado, batay sa pinakabagong Tugon ng Masa (TNM) survey ng OCTA Research na inilabas ngayong Lunes, Hunyo 1.

Mas mataas ito ng limang porsiyento kumpara sa 69% naitala sa survey noong Marso 2026.

Pinakamataas ang naitalang suporta para sa impeachment trial sa Visayas na may 82%, na sinundan ng National Capital Region (NCR) sa 81%, at Balance Luzon o mga lugar na nasa labas ng Metro Manila na may 77%.

Nilinaw naman ng OCTA na hindi dapat ipakahulugan ang resulta ng survey bilang paghatol sa pagkakasala, posibleng conviction, o pagpapatalsik sa puwesto ni Duterte.

Ayon pa sa nasabing research firm, ipinapakita lamang ng TNM survey ang antas ng suporta ng publiko sa pagpapatuloy ng impeachment trial bilang bahagi ng prosesong itinatadhana ng Konstitusyon.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng in-person interview mula Abril 20 hanggang 24 sa 1,200 mga respondante sa bansa. – MP