IBCTV13
www.ibctv13.com

Higit 1,000 personnel, ide-deploy ng NCRPO para tumutok sa pag-arangkada ng COC filing simula bukas

Alyssa Luciano
300
Views

[post_view_count]

(Photo by NCRPO)

Nakahanda na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa seguridad ng gaganapin na Certificate of Candidacy (COC) filing na magsisimula ng Oktubre 1 hanggang Oktubre 8.

Nasa 1,389 na mga personnel ang magbabantay sa sitwasyon ng COC filing upang mapalakas ang police visibility sa lahat ng mga designated filing locations kabilang na sa mga opisina ng Commission on Elections (COMELEC).

Sa direktiba ni Regional Director PMGEN Jose Melencio Nartatez Jr. sa mga district director, pinatitiyak niya ang sapat na mga tauhan para magbantay sa crowd control at daloy ng trapiko. Maglalagay din ng mga help desk na makatutulong sa mga kandidato at publiko.

“We must uphold a safe environment that fosters the democratic process. We are committed to ensuring that the filing of candidacies in Metro Manila proceeds smoothly and without disruptions,” saad ni Nartatez.

Paalala ni Nartatez sa publiko, makiisa sa mga awtoridad at respetuhin ang mga alituntunin ng COMELEC para sa COC filing period.

“Let us all work together to make this crucial step in our democratic process peaceful and orderly,” paghikayat ng regional director.

Simula bukas, Oktubre ay sisimulan na ang COC filing para sa mga indibidwal na nais maglingkod sa bayan para sa 2025 midterm elections.

Magtatagal ang COC filing hanggang sa Oktubre 8. – VC

Related Articles