IBCTV13
www.ibctv13.com

Higit 100,000 pasahero, inaasahang dadagsa sa mga paliparan ngayong holiday season – BI

Jerson Robles
127
Views

[post_view_count]

(Photo by Divine Paguntalan, IBC News)

Posibleng pumalo sa mahigit 110,000 ang bilang ng mga pasaherong inaasahang daragsa sa mga paliparan ngayong holiday season ayon sa Bureau of Immigration. (BI).

Mas mataas ito kumpara sa average na pagdating ng mga biyahero noong 2023 Christmas weekend na umabot lamang ng 53,000 at mas mataas din sa bilang ng mga umalis na pumalo naman sa 43,000.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang inaasahang pagdagsa ng mga manlalakbay ay mas mataas din sa bilang noong pre-pandemic era noong Disyembre 2019 kung saan ang average na pagdating ng mga biyahero ay nasa 55,000 lamang at ang pag-alis naman ay nasa 47,000.

Tiniyak naman ni Viado na handa ang ahensya upang masiguro ang maayos na operasyon sa mga paliparan.

Kaugnay nito, ipinagbabawal na muna ang aplikasyon para sa leave ng mga frontline officers sa panahon ng peak season upang masiguro ang buong kapasidad para sa deployment ng ahensya.

“We have ramped up our operations at major international airports, with additional personnel to maintain a smooth flow of passengers,” saad Viado.

Magkakaroon din sila ng rapid response teams at mobile counters upang matiyak ang mabilis at epektibong pagproseso sa darating na holiday season. – AL

Related Articles

National

Ivy Padilla

57
Views

National

Jerson Robles

83
Views