IBCTV13
www.ibctv13.com

Higit 2.3-M food packs, naipamahagi ng DSWD; paghahanda para sa Bagyong Pilandok, patuloy

261
Views

[post_view_count]

The Department of Social Welfare and Development (DSWD) distributed family food packs (FFPs) to residents of Brgy. Polong in Bugallon, Pangasinan, who were affected by flooding caused by continuous rainfall. (Photo courtesy of DSWD)

Mahigit 2.3 milyong family food packs (FFPs) na ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng magkakasunod na bagyo, pagbaha at Habagat, habang naghahanda sa posibleng epekto ng Tropical Depression Pilandok.

Sa isang payanam ngayong araw, Agosto 31, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ito na ang isa sa pinakamalaking bilang ng food packs na naipamahagi ng ahensya.

“Mula nang magsimula ito, kasi parang isang tuloy tuloy na disaster na ‘to mula nang unang habagat na tatlong bagyo ngayon, na kay Pilandok na tayo, umabot na tayo sa 2.3 million family food packs ang ating nailabas,” ani Gatchalian.

Tiniyak naman ng kalihim na patuloy ang pamamahagi ng tulong, lalo na matapos muling masalanta ng masamang panahon nitong weekend ang ilang lalawigan sa Central Luzon at mga bahagi ng National Capital Region (NCR).

Sinabi ng DSWD na mayroon pa itong nakahandang 3,586,913 FFPs, 301,570 ready-to-eat food (RTEF) packs, at 282,931 non-food items (NFIs) na nakaposisyon sa mga strategic location sa buong bansa.

Ayon sa DSWD, patuloy na nakikipag-ugnayan ang kanilang mga field office sa mga local government unit (LGU) upang subaybayan ang lagay ng panahon, tukuyin ang mga lugar na nangangailangan ng agarang tulong, at mapabilis ang pagproseso ng mga request para sa karagdagang relief assistance.

Tuloy-tuloy din ang operasyon ng mga repacking hub at supply chain ng kagawaran sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang mapunan agad ang mga relief stockpile na naibaba na sa mga apektadong lugar.

Ang mga hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking sapat ang disaster response resources upang mabilis ang pagtugon ng pamahalaan sa mga komunidad na maaapektuhan ng mga sakuna. – VC