IBCTV13
www.ibctv13.com

Higit 6.48-M turista, bumisita sa Pilipinas noong 2025 – DOT

Kristel Isidro
68
Views

[post_view_count]

Tourists flocked at world famous Boracay Island. (File Photo of PNA)

Magandang balita ang hatid ng Department of Tourism (DOT) matapos makapagtala ng humigit-kumulang 6.48 milyong tourist arrivals noong 2025, na nagresulta sa tinatayang P694 bilyong international visitor spending.

Sa press briefing ngayong Huwebes, Enero 22, binigyang-diin ni Palace Press Officer Claire Castro na patunay ito ng paglakas ng sektor ng turismo sa bansa

Sa ilalim ng pamumuno ni Tourism Secretary Christina Frasco, naging makabuluhan ang nagdaang taon para sa turismo, partikular sa connectivity, workforce development, at imprastraktura.

Kabilang sa mahahalagang tagumpay ng ahensya ang Michelin Guide Philippines, kung saan kinilala ang 108 restaurant sa Maynila at Cebu, at ang pagdaraos ng kauna-unahang Terra Madre Asia and Pacific (TIMAP) sa Bacolod.

Ipinatupad din ng DOT ang Food and Gastronomy Tourism Roadmap, kung saan pinalakas ang lokal na merkado sa pamamagitan ng Salam 2025 expo, at isinulong ang Halal at Muslim-friendly tourism.

Lumawak din ang connectivity ng bansa sa pagbubukas ng 19 na mga bagong international direct flight routes.

Bukod dito, matagumpay na nailunsad ang mga serbisyong nakatuon sa mga turista tulad ng transit tour program at medical concierge service.

Buo naman ang tiwala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy pang uusbong ang sektor ng turismo alinsunod sa National Tourism Development, bilang mahalagang haligi ng pambansang kaunlaran. – IP

Related Articles