IBCTV13
www.ibctv13.com

Higit P32-B pondo, ipinamahagi ng SSS sa pensioners bilang 13th month, pension

Divine Paguntalan
172
Views

[post_view_count]


(Photo by Michael Peronce, IBC News)

Maagang nakatanggap ng 13th month at December pension ang pensioners ng Social Security System (SSS) matapos magpalabas ng P32.19-bilyong pondo.

Natanggap ng unang batch ng pensioners ang tinatayang nasa P17.9 bilyong halaga ng benepisyo noong Nobyembre 29 habang noong Disyembre 4 naman ipinamahagi ang P14.3 bilyon para sa ikalawang batch.

Samantala, nasa P41.6-milyon naman ang inilabas para sa non PESONet participating banks at tseke.

Paliwanag ni SSS Officer-in-Charge Voltaire Agas, inagahan nila ang paglalabas ng mga naturang benepisyo bilang maagang pamasko sa pensioners, lalo na sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa bansa nitong mga nakaraang buwan.

“We are also aware of the plight of our pensioners who were not spared by the recent tropical cyclones that lashed the country in less than a month. The early crediting of these pensions can help address some of their financial needs as they try to rebuild their lives after a series of calamities struck the country,” saad ni Agas. – VC

Related Articles