IBCTV13
www.ibctv13.com

Higit P4.39-M ayuda, naipamahagi ng DSWD sa naapektuhan ng pagsabog ng Mt. Kanlaon

Divine Paguntalan
173
Views

[post_view_count]


DSWD Field Office 7 continues to provide assistance to Internally Displaced Individuals (IDPs) affected by the recent eruption of Kanlaon Volcano in Negros Island. (Photo by DSWD)

Umabot na sa higit P4.39-milyong halaga ng relief assistance ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Kanlaon sa Negros Island.

Sa tulong ng concerned agencies at lokal na pamahalaan ng Bago at La Carlota kasama ang iba pang munisipalidad, agad na nakatanggap ng iba’t ibang tulong ang mga bakwit na apektado ng makapal na ashfall mula sa bulkan.

Tiniyak naman ng ahensya na tuluy-tuloy ang pagbibigay ng family food packs (FFPs).

May naka-posisyon na sa DSWD Field Office 6 at 7 kabilang ang mobile command center na maaaring gamitin ng mga residente bilang komunikasyon sa kanilang pamilya at makatanggap ng real-time update sa sitwasyon ng kanilang lugar.

“With the ongoing disaster operations that started right after the eruption of Mt. Kanlaon on Monday, our Field Offices 6 (Western Visayas) and 7 (Central Visayas) continue to send family food packs to Negros Occidental and Negros Oriental, on top of those already prepositioned, to help our LGUs respond to the needs of their constituents,” saad ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao.

Nitong Martes, personal na bumisita si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa probinsya para kumustahin ang kalagayan ng mga apektadong pamilya.

Nagsagawa rin siya ng pagpupulong sa mga opisyal ng lugar para sa mas mabilis at mas epektibong paghahatid ng tulong sa bawat komunidad. – VC

Related Articles