IBCTV13
www.ibctv13.com

Higit P450-M tulong, naipaabot ng DSWD kasunod ng M7.8 na lindol sa Mindanao

Michael Peronce
79
Views

[post_view_count]

Distribution of relief assistance to Davao Occidental residents led by the Angels in Red Vests of DSWD following the M7.8 earthquake in Mindanao last June 8. (Photo courtesy of DSWD)

Umabot na sa kabuuang P451,389,222.98 ang halaga ng humanitarian assistance na naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residenteng patuloy na nagrerekober mula sa pinsala ng Magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao nitong Miyerkules, Hunyo 24.

Kabilang ang 612,000 family food packs (FFPs), 17,000 non-food items, at higit 13,000 ready-to-eat food (RTEF) boxes sa naipamahagi sa mga nasalanta sa Zamboanga Peninsula, Davao Region, SOCCSKSARGEN at BARMM.

Batay sa pinakahuling ulat mula sa DSWD-DROMIC, umabot na sa 382,740 mga pamilya o katumbas ng 1,635,096 na mga indibidwal, mula sa 635 mga barangays sa rehiyon ang napuruhan ng mapaminsalang lindol.

Nagpapatuloy naman ang paghahatid ng emergency cash transfer na P5,175 para sa mga pamilyang may partially-damaged houses habang P10,350 para sa mga pamilyang may totally-damaged houses.

Sa datos ng ahensya, may 71,628 na kabahayan ang bahagyang nasira dahil sa lindol habang may 15,428 tirahan ang tuluyang nawasak.

Samantala, nananatiling nakahanda ang kabuuang P5,553,643,326.34 na pondo ng DSWD para sa relief resources sa mga mangangailangan pang residente. – VC