Nanindigan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi kailangang magpadala ng navy warships ang Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) sa kabila ng mga kamakailang harassment ng China sa mga tropa at mangingisda ng bansa.
“We are not at war. We don’t need Navy warships,” matapang na pahayag ni Pangulong Marcos Jr. sa isang media interview.
Binigyang-diin pa ni Pangulong Marcos Jr. na magpapatuloy ang bansa sa pagsasagawa ng resupply mission at pagtatanggol ng karapatan sa mga teritoryo ng bansa.
“Again, it (sending of warships) will be provocative and will be seen as an escalation. We don’t do that. The Philippines does not escalate tensions. Quite the opposite, the Philippines always tries to bring down the level of tension,” paliwanag ng Pangulo.
Sa kabila ng mga insidente kung saan makailang beses na inabala ng mga helicopter ng Chinese Navy ang mga mangingisdang Pilipino, nanindigan ang Pangulo na hindi kailanman gagawa ng hakbang ang bansa upang lalo pang lumala ang tensyon sa WPS.
Mananatili namang payapa ang aksyon ng Pilipinas mula sa pag-atake ng China sa pamamagitan ng paghahain ng mga diplomatic protest. – VC