IBCTV13
www.ibctv13.com

IAEECC, hinimok ang 10% bawas sa konsumo ng gasolina sa mga ahensya ng gobyerno

Kristel Isidro
69
Views

[post_view_count]

Department of Information and Communications Technology (DICT) mobile operations vehicles for emergency (MOVE). (Photo courtesy of PNA)

Hinimok ng Department of Energy (DOE) Inter-Agency Energy Efficiency and Conservation Committee (IAEECC) ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na magpatupad ng mga hakbang sa pagtitipid ng enerhiya, upang maabot ang 10% kabawasan sa konsumo ng gasolina.

Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang hakbang ng pamahalaan sa gitna ng tumitinding tensyon sa Middle East na nagdudulot ng pangamba sa posibleng pagkakaantala sa suplay ng petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Batay sa kanilang abiso, inaatasan ang mga pambansang ahensya ng gobyerno, government-owned and controlled corporations (GOCCs), state universities and colleges (SUCs), at mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng fuel conservation measures sa kani-kanilang tanggapan.

Kabilang sa mga hakbang na dapat ipatupad ang regular at preventive maintenance upang mapahusay ang operasyon ng mga sasakyan at mabawasan ang konsumo ng gasolina.

Iminamandato rin ang pagpapatupad ng standardized vehicle monitoring system na magtatala ng pangalan ng drayber, odometer reading, dami ng gasolina, maintenance checklist, at pag-full tank upang mas masukat ang fuel consumption.

Dapat ding isagawa ang maayos na trip management sa pamamagitan ng route planning, trip consolidation, at carpooling upang maiwasan ang hindi kinakailangang paggamit ng gasolina.

Bahagi rin ng direktiba ang pagpapalit ng high-use vehicles sa electric o hybrid units alinsunod sa 10% EV fleet requirement sa ilalim ng Comprehensive Roadmap for Electric Vehicle Industry (CREVI).

Iniatas din sa mga ahensya ang pagsulong ng fuel-efficient driving gaya ng pag-iwas sa matagal na pag-idle, pagsunod sa speed limit, at pag-iwas sa overloading.

Kailangan ding magsumite ng buwanang fuel consumption report sa GEMP Online System para sa mas mahigpit na monitoring at makapaglatag ng karampatang interbensyon kung kinakailangan.

Ayon sa IAECC, mahigpit na babantayan ng DOE ang pagsunod ng mga ahensya sa direktiba, kasabay ng isasagawang energy audits at random spot checks ng DOE Energy Audit Team. – VC

Related Articles

National

Joyce Ann L. Rocamora, Philippine News Agency

369
Views