IBCTV13
www.ibctv13.com

IBC 13, target magtayo ng 11 karagdagang istasyon sa iba’t ibang panig ng bansa

400
Views

[post_view_count]

Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC TV 13) is expanding its network coverage with plans to build additional 11 stations across the Philippines to strengthen its public service reach. (IBC File photo)

Palalawakin pa ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC 13) ang naaabot ng serbisyo nito sa pamamagitan ng planong pagtatayo ng 11 karagdagang istasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay IBC President at Chief Executive Officer (CEO) Atty. Jimmie Policarpio, bahagi ito ng pagsusulong ng mas malawak na broadcast coverage ng state-owned television network, lalo na sa mga lugar na hindi pa naaabot ng signal nito.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 15 digital transmitters ang IBC sa iba’t ibang panig ng bansa.

Gayunman, nais pa ni Policarpio na madagdagan ang mga istasyon upang mas maraming Pilipino ang mapagsilbihan ng network.
Kabilang sa mga target na lokasyon para sa karagdagang mga istasyon ang Palawan, Jolo, Zamboanga at General Santos City.

“We just have to get more CAPEX, kasi gusto ko lagyan pa yung 11 station. Gusto ko lagyan ng Palawan, Jolo, Zamboanga, and then dito sa parte ng GenSan, kasi marami diyan, hindi nako-coveran,” ani Policarpio.

Kasabay ng pagpapalawak ng broadcast coverage, layunin din ni Policarpio na dagdagan ang mga programa at kwentong ihahatid ng IBC 13 sa publiko, gayundin ang paghikayat ng mas maraming sponsor upang mapalakas ang operasyon at halaga ng network. (Ulat mula kay Ace Medrano) – VC