IBCTV13
www.ibctv13.com

ICI, inirekomenda ang pagsampa ng kaso laban sa 8 kongresistang sangkot sa umano’y korapsyon sa flood control projects

Hecy Brojan
201
Views

[post_view_count]

Photo from Independent Commission for Infrastructure (ICI)

Inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng criminal at administrative cases laban sa walong dating at kasalukuyang kongresista na nasangkot sa anomalya sa flood control projects.

Ayon kay ICI Chair Andres Reyes, kabilang sa mga inirekomendang kasuhan sina:

1. Elizaldy Co – FS Co. Builders Supply
2. Edwin Gardiola – Newington Builders, Inc., Lourel Development Corp., S-Ang General Construction and Trading, Inc.
3. James Ang Jr. – IBC International Builders Corp. at Allencon Development Corp.
4. Jernie Jett Nisay – JVN Construction and Trading
5. Augustina Pancho – CM Pancho Construction, Inc.
6. Joseph Lara – JLL Pulsar Construction Corp.
7. Francisco Matugas – Boometrix Development Corp.
8. Noel Rivera – Tarlac 3-G Construction and Development Corp.

Ayon sa ICI, lumabag ang mga opisyal sa Code of Conduct for Government Officials at sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act kung saan nakasaad na hindi dapat nakikilahok ang mga kongresista sa anumang pribadong negosyo na sumasalungat sa kanilang opisyal na tungkulin; hindi dapat nila impluwensyahan ang bidding at awarding ng kontrata; hindi dapat makialam sa proseso ng procurement; at hindi rin dapat makinabang sa anumang government contracts.

“This practice should have ended decades ago. The longer we allow it to exist, the more it corrodes public trust. Let us tear down this abusive system, one by one, with every filing,” pahayag ng ICI.

Tiniyak ng komisyon na magpapatuloy ang masusing imbestigasyon at may dagdag pang pangalan na ilalabas sa mga susunod na araw. –VC