IBCTV13
www.ibctv13.com

Ilang Cabinet Secretaries ni PBBM, mananatili sa pwesto – ES Bersamin

Ivy Padilla
139
Views

[post_view_count]

WEBSITE PHOTOS (33).png

Inanunsyo ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin na mananatili sa pwesto ang ilang kalihim ng mga departamento na bahagi ng gabinete ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kabila ng mga isinumiteng courtesy resignation nitong Huwebes, Mayo 22.

Ayon kay Bersamin, hindi tinanggap ng Pangulo ang kanyang courtesy resignation kaya mananatili ito sa pagsisilbi bilang Executive Secretary sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr.

Bukod sa kanya ay mananatili rin sa serbisyo sina Department of Trade and Industry (DTI)Secretary Secretary Maria Cristina Roque, Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto, at Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) Secretary Arsenio Balisacan. 

Hindi rin naalis sina Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman at Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (SAPIEA) Secretary Frederick Go. 

Samantala, ilang kalihim naman ang mapapalitan kabilang na si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary  Maria Antonia Loyzaga na papalitan ni Department of Energy (DOE) Secretary Raphael Lotilla. 

Ayon kay Bersamin, wala pang napipiling papalit sa maiiwang posisyon ni Lotilla sa DOE ngunit pansamantala munang mangangasiwa bilang officer-in-charge si dating Congresswoman Sharon Garin. 

Hindi na rin magpapatuloy bilang kalihim ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) si Secretary Jose Acuzar dahil itatatalaga na ito bilang Presidential Adviser for Pasig River Rehabilitation. 

Papalit kay Acuzar sa pwesto sa kagawaran ang engineer na si Jose Ramon Aliling. 

Gaya ni Acuzar, maaalis din bilang kalihim si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo dahil napili ito bilang bagong Special Assistant to the President. 

Papalitan ni Manalo si Antonio Lagdameo na nagpasa ng early retirement na nakatakda sana sa Hulyo 31. 

Sasaluhin naman ng kasalukuyang Undersecretary for Bilateral Relations and ASEAN Affairs Theresa Lazaro ang maiiwang responsibilidad ni Manalo sa DFA. 

Nakatakdang i-anunsyo ang iba pang detalye sa susunod linggo ayon mismo kay Bersamin. – AL

Related Articles