IBCTV13
www.ibctv13.com

Immunization program sa Pilipinas, paiigtingin ng Marcos Jr. admin – DOH

Divine Paguntalan
525
Views

[post_view_count]

The Department of Health administers measles-rubella vaccine to a child as part of the National Immunization Program. (Photo by DOH)

Tinaasan ang pondo para sa National Immunization Program upang mas mapaigting pa ang pagbabakuna sa Pilipinas partikular sa mga kabataan, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) sa isang press briefing ngayong Martes, Setyembre 17.

Alinsunod ito sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na layong mabakunahan ang mga bata bago pa man sila tumungtong ng isang taong gulang.

Matatandaan noong 2021, pang-lima ang Pilipinas sa mga bansa na ‘0 dose vaccinated children’ hanggang noong 2023 ay tuluyan na itong nawala sa Top 20 ng listahan ng ‘unvaccinated children’.

“While this is good news, President Marcos directed the DOH to intensify the immunization programs in order to achieve a higher fully immunized children goal,” saad ni Health Secretary Ted Herbosa.

Ayon pa kay Herbosa, buo ang suporta na binibigay ng administrasyon ng Pangulo sa programa, kung saan nasa 40% ang pagtaas sa pondo nito mula 2021 hanggang 2025 o katumbas ng P2.3 bilyon na magagamit para pondohan ang pagbili ng mga bakuna at mismong pagbakuna sa mga kabataan.

Kahit anong edad ay maaaring magpabakuna ng mga kinakailangan para sa kanilang resistensya ng katawan ngunit binibigyang prayoridad ang mga buntis, sanggol, at senior citizens.

“So, nagbibigay tayo ng a total of a 11 vaccines sa bata. Before the 1 year of age, isang dose ng BCG kontra TB; tatlong doses ng pentavalent vaccine; at tatlong doses ng polio vaccine; at dalawang doses ng measles, mumps and rubella vaccine,” paliwanag ng Health Secretary. – AL