![](https://ibctv13.com/wp-content/uploads/2025/02/SP-ESCUDERO-FROM-SENATE-1-1.png)
Inanunsyo ni Senate President Chiz Escudero na sisimulan ang impeachment trial sa Senado laban kay Vice President Sara Duterte matapos ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo.
Mariin na itinanggi ni Escudero ang mga alegasyon na sinadya umano ng Senado ang pag-antala sa proseso ng impeachment.
Aniya, hindi maaaring magsimula ang paglilitis habang naka-break ang Senado.
“Most likely when the new Congress already enters into its functions — that means after SONA. SONA, I think, is on July 21. So the trial will commence after that day,” saad ng Senate President.
Hinimok naman niya ang mga kapwa senador na pag-aralan nang mabuti ang articles of impeachment na ibinigay ng Kamara noong nakaraang linggo.
Samantala, muling nilinaw ni SP Escudero na walang plano ang senado na humiling ng special session para sa impeachment.
“I have no intention of requesting the President (for) a special session. Hindi ito isa sa mga bagay o dahilan para magpatawag ng special session ang Senado. Sino bang may gusto na mag special session at mag-trial kami bago mag eleksyon?” saad ni Escudero.
“Sino mang-pro or anti VP Sara hindi namin papakinggan. Susundin namin ang itinatalaga ng batas,” dagdag niya. – VC