IBCTV13
www.ibctv13.com

Inabandonang aso’t pusa sa POGO hub sa Porac, ni-rescue; PAWS, kumakatok sa puso ng mga netizens

Michael Peronce
75
Views

[post_view_count]

Several pets like cats and dogs were rescued by the Philippine Animal Welfare Society (PAWS) after becoming abandoned and left in sickness and starvation in the recently raided POGO hub in Porac, Pampanga.

Nananawagan ng tulong ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) sa publiko para sa atensyong medikal at gamutan ng mga hayop na na-rescue matapos abandonahin sa ni-raid na POGO hub sa Porac, Pampanga kamakailan.

Napag-alaman sa pagsusuri ng mga beterinaryo na karamihan sa mga nasagip na hayop tulad ng aso at pusa ang nakaranas ng mahabang panahon ng kapabayaan na nagdulot na ng sakit at malnutrisyon sa kanila.

Bukas ang digital wallet ng PAWS sa kanilang Facebook page sa mga nais maghandog ng tulong sa mga napabayaang alagang hayop. -VC

Related Articles