Itinuturing ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang “special category” ang mga guro ng pampublikong paaralan dahilan kaya pinatataasan niya ang kanilang Service Recognition Incentives (SRI) ngayong Disyembre.
Isa lamang ito sa paraan upang mapasalamatan ang serbisyo ng mga guro na nagtitiyak na may sapat at de kalidad na edukasyon ang mga kabataan sa basic education.
“Teachers are [a] special category. So we have to handle that individually,” sagot ng Pangulo sa isang ambush interview.
Nitong Lunes, Disyembre 9, inatasan ni Pangulong Marcos Jr. ang Department of Budget and Management (DBM) at Department of Education (DepEd) na taasan ang SRI na matatanggap ng tinatayang 1,011,800 DepEd personnel mula sa dating P18,000 – P20,000. – VC