Iniulat ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto ang nagpapatuloy na downward trend ng inflation rate sa bansa kung saan inaasahang babagal ito sa 2.5% para sa buwan ng Setyembre.
”For September, ang expectation natin is roughly 2.5 (%), it’s a range between 2.1 [and] 2.9, the midpoint is roughly 2.5,” saad ni Recto sa isang press briefing.
Bagaman inaasahang bibilis muli ito pagdating ng Oktubre hanggang Disyembre ngayong taon dahil sa ‘holiday season’, tiniyak ni Recto na pasok pa rin ito sa target range ng pamahalaan na 2-4%.
Paliwanag din ng Finance Secretary na inaasahang mas maiibsan ang inflation sa taong 2025 kung saan inaasahang maglalaro lamang ito sa 2.9% hanggang 3.1%.
“We expect inflation to be 2.9 to 3.1 percent next year. So, even lower than this year,” dagdag pa ni Recto.
Patuloy naman ang pamahalaan sa pagbibigay ng iba’t ibang social programs para matulungan ang mamamayang Pilipino na higit na apektado sa sitwasyon.