IBCTV13
www.ibctv13.com

Inflation rate sa buwan ng Agosto 2024, bumagal sa 3.3%

Ivy Padilla
437
Views

[post_view_count]

Agricultural products for sale at a grocery store in Quezon City (File photo)

Bumagal pa sa 3.3% ang inflation rate sa Pilipinas para sa buwan ng Agosto 2024, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Huwebes, Setyembre 5.

Ito ay higit na mabagal kumpara sa naitalang 4.4% noong Hulyo 2024 at 5.3% noong Agosto 2023.

Ayon sa PSA, pangunahing dahilan ng pagbaba ng inflation ang mabagal na paggalaw sa presyo ng food and non-alcoholic beverages (3.9%) at transport (-0.2%).

Samantala, limang pangunahing commodities ang nag-ambag sa overall inflation gaya ng bigas (32.7%), restaurants, cafe (13.2%), rentals (9.4%), LPG (6.7%) at electricity (4.4%).

Pasok ang lumabas na inflation rate para sa buwan ng Agosto 2024 sa 3.2% hanggang 4.0% na inflation forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kamakailan.

Sa kabuuan, naitala sa 3.6% ang national average inflation mula Enero hanggang Agosto 2024. -VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

51
Views

National

Ivy Padilla

68
Views