IBCTV13
www.ibctv13.com

Inspeksyon sa posibleng hoarding ng sibuyas sa mga bodega, ipinag-utos ni DA chief Laurel

Divine Paguntalan
54
Views

[post_view_count]

Red and white onion being sold in a local market. (Photo by Patricia Lopez, IBC 13)

Agarang ipinag-utos ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa Bureau of Plant Industry (BPI) ang pagsasagawa ng inspeksyon sa mga bodega ng sibuyas upang masiguro na nailalabas sa merkado ang mga bagong ani.

Ikinabahala ni Secretary Laurel ang posibleng pagtatago ng produktong sibuyas lalo na at ngayong buwan inasahan ang simula ng anihan na nakikitang magpapababa sana sa presyo nito.

“I directed the Bureau of Plant Industry and its team to visit all the onion cold storage facilities across the country and inspect whether newly harvested onions are being kept there instead of being sold,” saad ng DA chief.

“If they are, that’s wrong. Onions are typically stored toward the middle or end of the harvest season, not at the start. This clearly points to price manipulation—it’s hoarding,” dagdag niya.

Sinabi ng kalihim na matatapos ang inspeksyon sa loob ng apat (4) hanggang pitong (7) araw bago maglabas ng ulat.

Una nang pinayagan ni Sec. Laurel ang pag-aangkat ng 3,000 metriko tonelada ng pulang sibuyas at 1,000 metriko tonelada ng puting sibuyas para sa buwan ng Pebrero bilang tugon sa posibleng kakulangan sa suplay nito bago ang harvest season.

Sa datos naman ng BPI, tinatayang aabot sa 33,000 metriko tonelada ang produksyon ng sibuyas pagdating ng Marso na inaasahang makatutulong sa pagpapababa ng presyo sa mga pamilihan. – VC

Related Articles