
Solong maiuuwi ng isang masuwerteng mananaya mula sa Nueva Ecija ang tumataginting na P184,998,366.40 jackpot prize sa Super Lotto 6/49 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong gabi ng Martes, Nobyembre 11.
Nahulaan ng lucky bettor ang winning numbers na 4-25-20-14-12-5.
Samantala, wala namang nakakuha ng jackpot prize na P108,810,101.40 sa Ultra Lotto 6/58 at P75,610,006.60 sa Lotto 6/42 draws.
Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:
– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)
Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. – IP











