IBCTV13
www.ibctv13.com

Isang mananaya, tumama ng P46-M jackpot sa Mega Lotto 6/45

Ivy Padilla
179
Views

[post_view_count]

Wagi ang isang maswerteng mananaya ng tumataginting na P46,134,409.20 jackpot prize sa Mega Lotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong gabi ng Miyerkules, Hulyo 2.

Nahulaan ng lucky bettor ang winning numbers na 38 – 7 – 16 – 44 – 15 – 42.

Samantala, wala namang nakakuha ng P29,700,000.00 jackpot sa Grand Lotto 6/55 na may winning combinations na 11 – 29 – 13 – 48 – 20 – 9.

Narito ang schedule ng mga lotto game mula Lunes hanggang Linggo:

– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)

Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. – AL