Solong maiuuwi ng isang lucky bettor ang P13,131,506.60 na jackpot prize sa Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi, Enero 28.
Nahulaan ng lucky bettor ang winning numbers na 10 – 22 – 31 – 28 – 11 – 14.
Samantala, bigo namang makuha ang P49,500,000.00 jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 na may winning digits na 54 – 36 – 51 – 56 – 21 – 26.
Kasabay nito ay wala ring nakapag-uwi ng P46,892,654.00 jackpot prize sa Super Lotto 6/49 na may winning combination na 41 – 40 – 16 – 34 – 20 – 28.
Narito ang schedule ng mga lotto games mula Lunes hanggang Linggo:
– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)
Mapapanood ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga bagong tahanan nito sa IBC 13 at D8TV gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206. -AL