IBCTV13
www.ibctv13.com

ITCZ, magdudulot ng pag-ulan sa hilagang bahagi ng bansa – PAGASA

Ivy Padilla
307
Views

[post_view_count]

Photo by Divine Paguntalan, IBC 13

Asahan ang maulan na panahon sa katimugang bahagi ng bansa, partikular na sa Mindanao at Palawan bunsod ng Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) ngayong Huwebes, Disyembre 26, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Bahagyang maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan naman sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Ilocos Region dala ng Northeast Monsoon o Amihan.

Sa ngayon ay bahagya nang humina ang epekto ng Amihan na nagresulta sa pagbawas din ng ulan na dulot ng Shearline.

Gayunpaman, asahan muli ang unti-unting paglakas ng dalawang nasabing weather systems bukas, Disyembre 27, lalo na sa silangang bahagi ng Luzon hanggang sa weekends.

Posible namang makaranas ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ng pabugsu-bugsong ulan bandang hapon o gabi dahil naman sa epekto ng localized thunderstorm.

As of 4:00 a.m., walang binabantayang low pressure area (LPA) o bagyo sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na posibleng makaapekto sa bansa.

Patuloy na hinihikayat ang publiko na maging alerto at handa sa posibleng pagbabago sa lagay ng panahon. – VC

Related Articles