IBCTV13
www.ibctv13.com

Japanese PM Ishiba, bibisita sa Pilipinas ngayong Abril

Ivy Padilla
79
Views

[post_view_count]

Japanese Prime Minister Ishiba Shigeru (Photo by Japanese Prime Minister’s Office)

Inanunsyo ng Malacañang ang nakatakdang pagbisita ni Japanese Prime Minister Ishiba Shigeru at asawa na si Mrs. Ishiba Yoshiko sa Pilipinas mula Abril 29-30, 2025.

Sa pahayag ng Palasyo, sasalubungin nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang pagdating ng dalawa sa Malacañang sa Abril 29.

Dito ay inaasahang magkakaroon ng pagpupulong sa pagitan nina Pangulong Marcos Jr. at Prime Minister Ishiba para sa higit na pagpapalakas sa kooperasyon ng Pilipinas at Japan sa usapin ng politika, ekonomiya, depensa, at palitan ng tao.

“The meeting of President Marcos and Prime Minister Ishiba will aim to deepen and improve economic and development cooperation, political and defense engagements, and people-to-people exchanges,” pahayag ng Palasyo.

“Both leaders are also expected to exchange views on regional and global developments, and explore new pathways towards peace and stability under the ‘Strengthened Strategic Partnership’ between the two countries,” dagdag nito.

Huling nagkasama ang dalawang lider sa sideline ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits sa Vientiane, Laos noong Oktubre 2024. – VC

Related Articles