IBCTV13
www.ibctv13.com

Kaligtasan, pangangailangan ng mga nasalanta ng Bulkang Bulusan, prayoridad ng DSWD – Sec. Gatchalian

Hecyl Brojan
81
Views

[post_view_count]

The Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary REX Gatchalian engages with evacuees staying at the Juban evacuation center as part of his visit to the town on Tuesday, April 29. (Photo from DSWD)

Binigyang-diin ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na prayoridad ng ahensya na matiyak ang kaligtasan, kalagayan, at pangunahing pangangailangan ng mga bakwit na apektado ng pagputok ng Bulkang Bulusan na nagdulot ng matinding ash fall.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ay agad na lumipad ang kalihim patungong Sorsogon upang pangunahan ang pagtugon ng ahensya sa mga nasalanta.

“Went on-site at the Juban evacuation center this morning to personally check on the situation of families and individuals displaced by the heavy ashfall from the eruption of Mt. Bulusan. Ensuring their safety, well-being, [and] immediate needs remains our top priority,” pahayag ni Secretary Gatchalian sa kaniyang Facebook post.

Sa ngayon ay nakapaghatid na ng 20,000 family food packs (FFPs) ang ahensya, kasama na ang mga non-food items gaya ng modular tents, hygiene kits, at water filtration kits na hiningi ng pamahalaang panlalawigan ng Sorsogon.

Dagdag pa ni Gatchalian, inilunsad na rin ng DSWD ang kanilang Mobile Kitchen upang makatulong sa pamamahagi ng mainit na pagkain sa mga apektadong komunidad.

“Napaka partikular ng ating Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. pagdating sa pagkain. Lagi niyang sinasabi sa akin na hindi sasapat ‘yong family food box, kasi sino ba naman ang tao na kayang kainin ang family food packs o ang delata araw-araw,” aniya.

Bilang tugon, ipinatupad ng DSWD at mga lokal na pamahalaan ang alternating scheme sa pamamahagi ng food packs at fresh meals para sa mga evacuee.

Bukod sa evacuation center, binisita rin ni Gatchalian ang warehouse ng Provincial Local Government Unit (PLGU) upang tiyakin ang sapat na suplay ng pagkain at iba pang gamit para sa mga evacuee. – VC

Related Articles