IBCTV13
www.ibctv13.com

Kaliwa’t kanan na job fairs ng Marcos Jr. admin, nagbukas ng trabaho sa mga miyembro ng 4Ps – DSWD

Ivy Padilla
177
Views

[post_view_count]

Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries at the ‘Trabaho sa Bagong Pilipinas’ job fair in Tagum City, Davao del Norte. (Photo by DSWD)

Iniugnay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pag-arangkada ng Trabaho sa Bagong Pilipinas para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) job fair ng pamahalaan sa naitalang pagbaba ng unemployment rate sa Pilipinas para sa buwan ng Marso 2025. 

Sa huling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 1.93 million ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Marso 2025. 

Ito ay bahagyang mababa kumpara sa 1.94 milyong bilang na naitala noong Pebrero 2025.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, may kabuuang 980 miyembro ng 4Ps ang na-hire on the spot sa idinaos na 12 job fair sa iba’t ibang bahagi ng bansa. 

Higit 3,000 naman ang nasa waiting list, naghihintay ng tawag ng employer o di kaya’y nagpo-proseso pa ng mga kinakailangang requirements. 

Binigyang-diin ni Assistant Secretary Dumlao na sumasalamin ang mataas na bilang na ito sa kagustuhan ng mga benepisyaryo ng 4Ps na makaahon sa kahirapan at magsimula ng pamumuhunan. 

Nakalinya naman ito sa pangarap nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr at DSWD Secretary Rex Gatchalian.

“Ito ang vision ni President Ferdinand R. Marcos Jr at Secretary Rex Gatchalian, magkaroon ng trabaho ang miyembro ng 4Ps upang masiguro na hindi na sila babalik sa kahirapan,” saad ni Dumlao. 

Muling pinagtibay ng DSWD ang pangako nito na titiyaking hindi basta-basta aalis ng programa ang mga 4Ps graduate kundi tutulungan pa ang mga ito na mapanatili ang maayos na antas ng pamumuhay. 

“The DSWD reiterates its commitment to working jointly with the Department of Labor and Employment (DOLE) and other key partners to help match jobseekers with appropriate employment opportunities and track long-term employment outcomes,” dagdag pa ni Dumalo. – VC 

Related Articles